Paano magsulat ng Nobela sa tagalog at maging succesful na writer

Nakakainggit ang mga katulad ninyo, marami na kayong pinagdaanan, maaaring successful na kayo sa buhay. Pero ngayon ay gusto nyo pang mapaunlad ang inyong sarili at tuparin ang isa pa ninyong pangarap, ang paggawa ng libro. Sino ang nakaaalam kung saan yan patungo. Siguradong isang pagpapakita ng inyong pagiging malikhain o maaaring mabisang kasangkapan sa marketing o maaaring maging sentro ng inyong pagkakakitaan. Anuman ang inyong mithiin sa paggawa ng libro narito ako upang kayo ay tulungan upang matupad ang inyong layunin.

Naisip kong mag post ng PAANO SUMULAT NG LIBRO ng matapos kong isulat ang una kong aklat na MAHARLIKA, na fiction fantasy na nobela. Sa sobrang tuwa na aking naramdaman ng matapos ko ang libro dahil sa mga teknik na ginamit ko sa aklat na ito, agad kong ibinahagi ang aking natapos na aklat o achievement sa mga kakilala, kaibigan, kamaganak, kaopisina, ka-fb, ka-twitter at iba pa.

Sa sobrang kaligayahan na aking naramdaman sa aking accomplishment, ninais ko rin sila na sumulat ng sarili nilang aklat upang magkaroon ng karagdagang accomplishment kagaya ng aking naramdaman, nais ko kasi na sila rin ay sumulat ng kanilang libro. Inakala ko na magiging positibo ang kanilang sagot o response, akala ko matutuwa rin sila na gayahin ang aking ginawa, subalit ang resulta ay kabaligtaran. Natutuwa sila sa aking ginawang libro pero hindi nila gustong gawin ang aking ginagawa. Maraming dahilan o haka-haka akong natanggap sa ibat-ibang mga tao na aking nakausap sa pagsulat ng libro.

Iba-iba ang kanilang naging sagot ng alukin ko na magsulat ng libro. May nagsasabi na gusto nilang sumulat pero wala silang oras sa pagsusulat, walang talento, walang karanasan, walang panahon, walang interes sa pagsusulat, walang degree sa pagsusulat, hindi nakapagsanay ng husto sa pagsulat, mahina ang imahinasyon, hindi daw sila karapatdapat magsulat ng libro, hindi daw para sa kanila ang pagsusulat, hindi sila marunong magsulat at marami pang ibang maling pananaw at pamahiin.

Ito ang nag udyok sa akin na mag post ng PAANO SUMULAT NG LIBRO. Marami rin palang pamahiin at maling akala ang mga tao tungkol sa pagsusulat ng libro. Ang PAANO SUMULAT NG LIBRO ay upang resulbahin, ayusin ang ganitong hakahaka tungkol sa pagsusulat.

Walang nagsasabi na madali ang sumulat ng libro. Hindi ko masisi ang mga tao na mag-isip ng ganitong maling pananaw sa pagsusulat, dahil katulad nila, mayroon din akong ganitong maling pananaw nung una na hindi pa ako nakakagawa ng libro. Pero naglaho ang lahat ng maling pamahiin na iyon ng matapos ko ang aking unang aklat na isang pantasya na MAHARLIKA. Marami rin akong naging maling paniniwala o haka haka sa pagsusulat. Pero nag-iba ang lahat ng iyon ng sundin ko ang natutunan kong “Aparato o recipe” ng pagsusulat kaya sa wakas ay natapos ko ang libro na MAHARLIKA. Sunod sunod natapos ang aklat na serye na TALIM at TRINITY na nobela.

Nais ko rin na ibahagi sa iba ang karunungan at teknik na nalaman ko sa paggawa nito. Sana ay isapuso ninyo ang pagsunod sa bawat teknik sa librong ito.

Abangan ninyo ang aking post at sasabihin ko ang mga teknik PAANO SUMULAT NG LIBRO.

Maari bang malaman ang iyong opinyon? Mag komento sa ibaba

check my website: www.kidlap.com